Sanay na si Linn na mamuhay mag-isa. Simula nang mag-Highschool siya ay umalis na siya sa poder ng kaniyang Tiya para hindi na sila mamroblema pa sa kaniya. Mukha kasing laging aburido ito kapag nakikita siya kaya naman siya na ang nag-adjust at umalis para hindi na sila mamroblema pa. Trabaho doon, trabaho dito. Sa murang edad ay natuto siyang kumayod para matustusan ang kaniyang pag-aaral at para narin may maipangbayad sa napakaliit, sobrang luma at hindi kabanguhang apartment na inuupahan niya. Iyon kasi ang pinakamurang apartment kaya iyon ang kinuha niya. Pwede naman siyang umuwi sa probinsya nila dahil may maliit na bahay sila doon, pero ayaw niya. Dito sa Quezon City niya gustong makatapos at magtrabaho dahil mas maraming opurtunidad. Bukod doon, dito rin nakalibing ang magulang niya dahil hindi na niya kinaya pang ipadala ito sa sarili nilang probinsya. Kaso .. Wala na pala siyang ibang choice kung hindi ang umalis at umuwi sa probinsya nila. Gusto niya pang manatili pero isinusuka na siya ng bayang iyon. Lahat na lang ng mga taong nasa paligid niya ay tila ba nahihirapan dahil sa kaniya. Ang magulang niya, ang Tiya niya, maging ang taong mahal niya.. Para bang may sumpang nakatapong sa ulo niya, at hindi niya gusto iyon. Kaya aalis nalang siya. Para wala ng mahirapan, aalis nalang siya. Wala na rin naman kasing may pakialam at makakaalala. So there's no other choice but to forget and bury the pain of yesterday. :) -----All Rights Reserved
1 part