Ang 'Ang Madaldal Na Pagong' ay isang halimbawa ng pabula na may aral na "Tuparin ang ipinangako sa kapwa. Mas mainam ang taong may isang salita kaysa puro salita ngunit mahina naman sa gawa. Kung ikaw ay may minimithi o pangarap sa buhay, mag-pokus ka. Isa ito sa mga sangkap upang magtagumpay ang isang tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may mga taong handang tumulong sa iyo kaya huwag sayangin ang tulong na binigay ng kaibigan."