Magsisimula ang lahat ng sumama si Lily sa hiking ng mga kaibigan niya, wala sa plano nila ang pag-akyat sa mataas at malaking bundok na tinatawag na Agape, pero dahil sa kuryosidad sa alamat na bumabalot dito ay hindi siya tumanggi ng magkasundo silang akyatin ang bundok na iyon. Kilala ang Mount Agape sa isang alamat na nabubuhay pa rin hanggang ngayon. May isang puno sa gitna ng gubat ang tumutupad ng kahilingan at ang tanging nakakakita lamang nito ay ang taong labis ang kagustuhan maramdaman ang isang pag-ibig na kanilang pinapangarap. Walang nakakapagpatunay kung totoo ito o hindi ngunit marami ang sumusubok na hanapin ang punong iyon. Siya si Lillac Yves Sacrillo, Ang babaeng napunta sa taong 1759 para maranasan ang pag-ibig nang isang ginoong nabuhay sa panahon na ito. Ang pagpapahinga ni Lily sa lilim ng isang puno ang babago sa takbo ng buhay niya. Sa pagmulat ng mga mata niya ay napunta siya sa taon,lugar at sitwasyon na sa tanging libro ng kasaysayan lamang niya nababasa. "Ang pag-ibig ko sayo ay tulad ng bituin,mananatili sa liwanag o dilim. Ikaw ang bituin at ako ang kalangitan na habang-buhay kang sasamahan. Huwag mangambang iiwan, walang ningning na kaya kang pantayan. Ikaw lang ang bituin na nanaisin magpakailan man"