Isang malaking pag kakamali ang pag sabi niya ng 'I do'. Ang akala niya ay isang malaking kasinungalingan lamang ang lahat ng naganap na iyon. Isang Magandang panaginip na nag daan sa buhay niya. Noong una ay ayaw niya sa lalaki para sa sarili. Hindi dahil hindi niya ito mahal ngunit dahil ikakasal na ito sa kapatid. Ngunit sa isang dahilan ay sila ang ikinasal. Masaya na sana siya ngunit paano naman siya magiging masaya habambuhay kung ang asawa niya ay umiibig sa kapatid niya. Ano na lang ang gagawin niya? Paano kung muli silang mag kita. Titibok ba ulit ng mabilis ang puso nila?