Sabi nga nila, marami daw ang nababaliw dahil sa salitang PAG-IBIG. Sabi naman ng iba, hindi rin. May mga nagsasabing karamihan ay mga babae ang biktima ng salitang yan. Yo'ng tipong sila ang naghahabol, umiiyak, nagpapapansin, kinikilig, madaling mafall, mabilis umasa, etc.
Paano kung lalaki ang nasa scene? Maghahabol din kaya s'ya? Iiyak para hindi iwanan? Kikiligin sa harap mismo ng sinisinta? Mag-aasume din kaya s'ya? Mapofall agad-agad? May mas matindi pa kaya s'yang gagawin para makamit ang babaeng pinapangarap o makokontento na lang s'ya sa isang sulok at pasulyap-sulyap?