By the year 2035... Ako si Ashley Alejandro, 21 years old. Wala akong pakielam kung hindi niyo ako paniwalaan pero hindi talaga ako gamer. Ang tinutukoy ko ay yung mga hardcore gamers. Alam kong weird 'yon kasi sa taon na 2035, marami nang nagbago, lalo na sa teknolohiya. Kung alam niyo lang, ang nilalaro ko lang ay kung hindi Candy Crush ay Temple Run ang nilalaro ko. Sabi ng kaibigan ko at ilang kalilala na bulok na raw ang mga larong iyon. Yes, they're still alive. Yun nga lang, malapit na rin silang mawala. Nagbago ang ihip ng hangin nang ilabas ng Star Games, isang sikat na gaming company, ang isang technology na lalong nagpasigla at nagpabaliw sa Gaming World. Ang Nerve-Gear Technology. Isang gear na isinusuot sa ulo na magdadala sa iyo sa isang makabagong mundo. This techonology is far more than just VR. A few months later, they launched the first ever nerve-gear operated RPG game in the world that was entitled... Amellaris: Virtual Battle