Hindi inakala ni Jomar na sa loob lamang ng isang iglap ay mababago ang buhay niya at mapapadpad siya sa isang mundong halos hindi niya mapaniwalaang totoo-sa Mundo ng mga Makahiya. Hindi niya alam kung paano at bakit siya napunta roon. Pero sa gitna ng paghahanap niya ng kasagutan sa mga tanong niya, mahaharap pa pala siya sa mas matitinding hiwaga at panganib sa loob ng mundong iyon. Makalalaya pa nga ba siya bago pa mahuli ang lahat?
More details