Dugo at pawis ang ipinuhunan ni Carlos San Miguel sa kanilang rancho. Ang Rancho San Miguel. Tinalikuran at niyakap niya ang lahat para lamang sa rancho na kaniyang naging buhay. Napakalaking responsebilidad ang iniwan sa kaniyang mga balikat kaya naman ibinuhos niya ang kaniyang buong puso, isipan, at lakas ng katawan para sa pangangalaga at pagpapaunlad ng Rancho San Miguel kasama ang mga naninirahan dito. Kaya naman ang huling kailangan niya ay ang responsebilidad sa isang babaeng matagal na niyang pilit na tinalikuran. Ang kaniyang asawang iniwan noon sa ibang bansa na si Christiane Montepiedad. Ngunit hindi niya inaasahan ang biglaan nitong pagdating, lalo na nang muli niyang masilayan ang mga mata nitong kulay abo na puno ng kalungkutan na nanahan sa kaniyang isipan at pilit niyang kinalimutan. At mas pilit niyang itinanim ang galit sa kaniyang puso dahil sa isang puwersahan na pagpapakasal sa kaniya sa isang labingpitong-gulang na babae, pitong taon na ang nakalilipas para lamang sa isang responsebilidad. Ginawa na ni Christiane Montepiedad ang lahat para lamang mapansin ng kaniyang asawa. Ngunit sadyang walang pagmamahal sa kaniya ang lalaking si Carlos San Miguel na ipinakasal sa kaniya ng kaniyang lolo, para may mangangalaga sa kaniya. Dahil sa napag-alaman niyang may malubha na itong sakit. Ngunit sa halip na magkaroon siya ng karamay sa kaniyang pighati dahil sa pagkawala ng kaniyang lolo ay nadagdagan pa ang pagdurusa niya dahil sa iniwan na lamang siya ni Carlos at trinatong tila ba ay hindi siya nabubuhay. Kaya naman, nakapagpasiya na si Christiane na magtungo sa Pilipinas para maningil sa kaniyang asawang umiwan sa kaniya sa unang gabi nila bilang mag-asawa at hindi na nagpakita. Handa na siyang maningil sa mga pagkukulang nito at ang una niyang hihilingin ay ang kaniyang kalayaan. Kahit pa si Carlos San Miguel ang iniibig mula pa noon nang kaniyang musmos pa lamang na puso. Complete November 14. 2020.