Ikaw hanggang dulo (A Jholet Au)
17 parts Ongoing Unang tingin pa lang, alam na ni Colet Vergara na iba si Jhoanna Robles. Isang misteryosang upperclass na ubod ng ganda at galing kumanta, habang siya naman ay simpleng first-year student na may pangarap maging kilalang dancer at arkitekto. Hindi niya inakala na sa Foundation Day ng unibersidad nila ay magkakaroon siya ng lakas ng loob na ipagtapat ang nararamdaman niya-sa pamamagitan ng sayaw at kanta.
Mula sa pagtatapat, naging pag-ibig. Mula sa pag-ibig, naging pangarap nilang sabay na tahakin ang buhay pagkatapos ng kolehiyo. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat-nang mahuli ni Colet si Jhoanna na may kahalikan... at hindi siya iyon.
Isang aksidente. Isang taong coma. Isang pusong pilit na binubuo.
Hanggang saan ang kayang ibigay para sa taong mahal mo? At kung nawala na ang alaala, puwede pa bang maibalik ang dati? Ito ang kwento ng isang pag-ibig na sinubok ng kasalanan, kabiguan, at kapatawaran.