Sa panahon ngayon, halos lahat ay nabibili na ng pera . Halos lahat nakukuha gamit ang kuneksyon at kasikatan . Sa isang iglap, kayang tapatan ng pera ang halaga ng isang bagay. Ngunit isang babaeng ipinanganak sa isang marangyang buhay ang naiiba sa ganitong klase ng pagikot ng mundo . Ni minsan ay hindi niya ninais tapatan ng pera ang isang bagay . Ni minsan ay hindi niya sinubukang gamitin ang kuneksyon at kasikatang mayroon ang pamilya nya para lang sa pansariling kabutihan dahil kung papipiliin sya ay mas pinangarap pa nya ang isang tahimik na buhay . Ngunit hindi ang isang gaya ni Zion na lumaking sunod sa layaw . Bata pa lamang ay tinuruan ng umaktong maging isang CEO ng kumpanya na mamanahin nya lamang sa kundisyong pagpapakasal . Naniniwala itong lahat ay matutumbasan ng pera . Lahat ay madadaan sa kasikatan at kuneksyon . Ngunit paano kung magtagpo na ang landas nila? Mananatili pa ba ang kani kanilang paniniwala at prinsipyo ? Matutumbasan nga ba ng salapi ang kasiyahan? At mabibili nga ba ang pagmamahal? Magagamit nga ba ang kasikatan at kuneksyon para sa isang tahimik at payapang pamumuhay? Lalo na kung sa paligid ay nakatutok ang spotlight sa isang CEO.