10 parte Ongoing 2676- Ang taon kung saan, sa teknolohiya umiikot ang buhay ng mga tao. Sa panahong ito, naglipana ang terorismo at agawan ng mga lupain.
Lahat ay naghahangad ng kapangyarihan sa pamumuno. Ang mga may kaya sa buhay ay nanatiling mayaman sa kabilang banda naman, ang mga mahihirap at mga walang kalaban laban ay mas lalong naghihirap.
Ang mga makapangyarihan, ay patuloy parin sa pagkamkam ng iba't ibang yaman, kaakibat nito ang patuloy na paghihirap ng mga taong walang kaantasan sa buhay at dumating sila sa punto na wala na silang makain. Ginawa silang mga alipin, hindi na nila kailangan pang tumanggi dahil wala na silang ibang pagpipilian. At ang sinuman na tumanggi ay walang hamas na kikitilin.
Asher- isang dalagang nangarap na makamtam ang kalayaan. Ano-ano kaya ang mga hakbang na kanyang gagawin upang mapalaya ang sarili at ang iba pa?