"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang sasabak siya sa giyera ng pag-ibig. Pakiramdam niya ay wala siyang kaarmas-armas. Dahil sa tanan ng buhay niya, wala siyang ibang ginusto kung hindi ang magmahal at mahalin din. Pero 'di kalauna'y ito ang naging bangungot sa buhay niya, ang umibig. Paano niya ipaglalaban ang taong minamahal niya sa giyerang silang dalawa mismo ang nagsimula? Matatapos ba nila ang istorya ng kanilang pagmamahalan na magkasama nilang isinulat?