"YES." Ito na yata ang natatanging salitang na-overuse ko. Bakit? Simple lang. I always say yes, 'cause I want to please them. Gusto kong makuha ang attention at papuri ng mga magulang ko. Pakiramdam ko ito lang ang natatanging paraan para mahalin nila ako. All I ever wanted was their love. Is that hard to give? Hindi naman diba? Ito ang dahilan kung bakit sunud-sunuran ako sa mga gusto nila. Walang excuses, walang pero pero. Lahat ay dapat sundin ko. And look how far this stupid principle of mine brought me. Ngayon, magpapakasal na ako and I'm getting married to a STRANGER. Its so ridiculous right?