Si Andrea, ang isang babaeng bibo at makulit ang magkakagusto sa isang lalaking ubod ng talino, suplado at gwapo. Mayroon kayang pag-asang siya ay mapansin nito kahit na isa lamang siyang babaeng hindi katalinuhan at kagandahan? Maaari kayang sa hindi inaasahang oras, panahon at pagkakataon, maaari kayang puso ng dalawang taong magkasalungat sa pag-uugali at gusto ay magtugma? May pag-asa nga bang siya ang una at siya rin hanggang wakas? Siya pa rin kaya ang magiging paksa sa isang tula o isa na lamang siyang paksa na kahit kailan hindi na magtutugma?