Ano ang gagawin mo kung magising ka isang araw at makalimutan mo ang iyong nakaraan? Maniniwala ka ba sa mga taong nakapaligid sa iyo? Maniniwala ka ba sa taong nagpakilalang kaibigan mo kahit may pakiramdam kang hindi naman kayo magkaibigan? Maniniwala ka ba sa pamilya mo kahit hindi mo maramdaman sa kanila na tunay mo silang pamilya? At higit sa lahat maniniwala ka ba sa isang lalaking nagsasabing siya ang boyfriend mo kahit na pakiramdam mo ay ngayon lang kayo nagkakilala?