Hi! My name is Adelaide Marie Yhuanco. Yun lang. Yan lang ang kaya kong ipakilala sa kanila kasi sino ba naman ako? Walang trabaho, walang mga magulang, nakikitira lang sa bahay ng amo ng pinsan ko. Oo, katulong sa isa sa mga mansion dito sa Villamonica Village ang pinsan ko. Buti nga at may magandang loob yung mga amo ni Andrea at pinayagan kaming dalawa na mag stay in ng sabay dito kahit wala naman akong masyadong naitutulong dito. Inalok ako na maging tutor sa isa sa mga anak ng amo niya kaya ako nandito. Di ganun kalaki sweldo, pero okay na rin pang allowance sa school. Minsan napapaisip ako. Paano kaya ginagasta ng mga mayayaman yung mga pera nila? I mean, nag bu-budget din kaya sila pag nag go-grocery sila? Pag kumakain sila sa restaurant na mamahalin, pinipili ba nila yung mas makakatipid sila? Minsan naiisip ko rin, kelan kaya yung ako naman? Yung may ibang tao naman na mag iisip ng ganun sa sarili nila habang nakikita nila ako. Pero hindi pa tapos ang lahat. Nagsisimula pa lang ako. Pag tapak ko ng kolehiyo, aatupagin ko lang ang pag-aaral ko. Hindi madali ang makapasok sa isang tanyag na University ano. Kaya hinding hindi pwede sa'kin ang mga bagay na hindi mahalaga. No to boyfriend. No to barkada. No to inuman. And yes to hardship and perserverance. Pinalaki ako ng mga magulang ko na marunong umunawa at umintindi sa mga sitwasyon pa tungkol sa pamumuhay. Kaya naman alam ko na hinding hindi ako papalya sa pagsisimula ko. "Kaya Nay, Tay. Para po ito sa inyo". Huminga ako ng malalim at tinahak ang unang hakbang papasok sa De Luche University...Tutti i diritti riservati
1 parte