In a parallel universe,
I'm still his world.
Naniniwala ka ba na may parallel universe? Kung saan maraming dimensyon ang mundo, hindi lang isa o dalawa kundi higit pa. At sa mga mundong ito, naroon ka ngunit iba ang iyong katayuan sa buhay, parang isang alternate reality. Ngunit may tinatawag din tayong Multiverse, at ano nga ba ang kaibahan nito sa parallel universe?
Kapag sinabi nating Multiverse, ito ay koleksyon ng mga Parallel Universes, ibig sabihin marami. There are many types of Multiverse theory but the most well known is the Many-Worlds theory, ang isa kung saan sa unibersong ito ay gumagawa tayo ng isang bagay, pareho ng mga kilos, pareho ng katayuan sa pamumuhay at pareho sa lahat ng bagay samantalang sa parallel universe, gumagawa tayo ng kabaliktaran na aksyon at iyon ang maiintindihan mo sa kwentong ito.
Meet Chelseah Vera Gracia, ang babaeng perpekto sa paningin ng karamihan, nang maglabas yata ang Diyos ng magagandang katangian, gising siya upang saluhin ang lahat. Maganda, matalino, mabait, mayaman ngunit hindi alam ang salitang pag-ibig.
Lingid sa kanyang kaalaman na sa kanyang mundong ginagalawan ay may kakaibang matutuklasan siya. Isang mundo na katulad ng mundong kanyang pinanggalingan at ang mga tao sa mundong iyon ay nag-eexist din sa kanyang mundo.
Magkamukha ngunit hindi pareho ang estado ng buhay, magkatulad ngunit hindi sa lahat ng bagay. Dito niya natuklasan na hindi lang pala iisa ang mundo at dito niya makikilala ang isang taong magpapatibok ng kanyang puso.
Ngunit paano kung ipagbawal ang kanilang pag-ibig kung labag ito sa mundong kanilang ginagalawan. Bibitawan ba nila ito ng tuluyan o ipagpapatuloy hanggang kamatayan?
Samahan ninyo kaming tuklasin ang kakaibang adventure sa kabilang mundo kasama ang iba't ibang karakter na magbibigay saya, lungkot, at tuwa sa inyong mga puso.
- 2021 Our Parallel world
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayamang pamilya sa Asturias.
Kung paano? Halina at samahan nyo ko sa kwento ko.
--------------------------------------------------------
Dearest Readers,
This is my first story here in Wattpad. I hope you will like it. I will do my best to give you an amazing story.
This is the story of Isabella Fernandez and Axel Vincent Montenegro.
Yours truly,
Lady Lavender
Start Date: 01262021
End Date: 03172021