Ang lahat nang pangyayari ay may dahilan. Alam na nang nakararami ang mga salita na yan. Marami ay naniniwala at marami rin ang hindi, marami ang ginagamit ito bilang dahilan at meron din naman na nagsasabi na ito ang sanhi. Ngunit magiging sapat ba ang dahilan kung hindi natin ito alam?
Sa paglipas ng panahon, ang akala ko ay limot ko na. Sa bawat oras nang ating maganda at masayang gunita, natagpuan ko na lunod ngunit uhaw pala ako sa mga alaala mo. Sa paglipas ng mahabang panahon ang marami doon ay paglimot, pero alam ko sa puso ko, ito ay humahanap lang nang pagkakataon.
Marami na ang nangyari, malayo na sa mga alaala nating dalawa. Sa bawat yugto, sa bawat tao na nakakasama meron tayong iba't-ibang istorya. Sa maraming nakaraan na ang bawat dahilan ay hindi pa rin alam, meron ibang bahagi noon at ngayon ay madurugtungan na, mga dahilan na noon ay hindi natin alam ang sagot at ngayon ay masasagutan na.