10 Части В процессе Para kay Arkin, tapos na ang lahat.
Ubos na siya - naulila, nabigo sa pag-ibig, at paulit-ulit na tinadyakan ng buhay. Kahit anong kayod, parang wala pa ring nangyayari. Kaya isang gabi, habang nakatayo sa tulay, tinanong niya ang sarili: "Ito na ba 'yung sagot sa lahat?"
Pero sa halip na kamatayan, paggising niya... ibang katawan na ang gamit niya.
Ngayon, isa na siyang hari - at hindi basta-bastang hari, kundi 'yung kinamumuhian ng buong kaharian. Sa gitna ng magulong mundo na 'di niya alam, kailangan niyang magdesisyon: susubukan ba niyang ayusin ang buhay ng taong ito, o hahanap ng paraan para makabalik sa dati niyang mundo?
Regalo ba 'to, o parusa?
Sa ilalim ng dalawang magkaibang langit, isang bagong buhay ang naghihintay. Pero sapat ba 'yun para makalimutan ang dating sakit?