Ang palagiang pagkukubli at pagsilip ng Ginoong Panganoron ng Tayabas sa kariktan ni Daragang Magayon, ang binukot ng Rawis na tanyag kahit sa mga malalayong lupain dahil sa kan'yang taglay na kagandahan, ay nauwi sa isang madugong labanan. Noon lamang nakita ni Magayon ang katapangan mula sa isang tunay na ginoo. Noon napatunayan ni Panganoron na kaya n'yang ialay ang buhay para sa dalaga. Mga diwata, mga engkanto, mga datu, at mga rajah ay haharaping lahat ni Panganoron para ipagsanggalang ang kaniyang pag-ibig kay Magayon. Inspirasyon ng nasabing kwento ang mga Alamat ng Bulkang Mayon at Ibalong, ang epikong Bikolnon.
6 parts