Paano kung bigla siyang bumalik matapos ka niyang iwan para sa ibang babae? Isang babaeng pinakilala ng kaibigan niya habang may something pa sa inyo? Isang babae na pinagselosan mo ng todo na halos talo mo pa si detective conan sa pagiimbestiga?
Babalikan mo pa ba siya? O magfofocus ka nalang sa taong nagpasaya sayo nung mga panahong wala siya, ang taong hindi napagod na pangitiin ka? Ang taong itatago natin sa pangalang, Mr. SUITOR.
Sino ba ang pipiliin mo, ang past na mahal mo, o ang present na mahal ka?
Anong gagawin mo kapag yung inaakala mong wala na, meron pa pala? Pano kung bigla syang bumalik para sabihing mahal ka pa rin niya? Kakalimutan mo ba lahat ng nangyari para sa 2nd chance nyo o magpapadala ka sa takot na baka masaktan ka lang ulit at makikinig sa mga kaibigan mong paulit-ulit na nagsasabi sayong, TAMA NA.