Tatlong taon ang lumipas, marami nang nagbago ngunit nanatili pa ring matibay ang samahan nina Jadie at Gian, kasama ang kanilang cute na supling na si Gieldian Kyle. Sa pamilyang ito, hindi mawawala ang lambingan, tawanan at syempre, ang mga kalokohang dala nila sa isa't isa. Tunay ngang napakasaya nila, dahil puno sila ng pagmamahal at matatag na ugnayan sa bawat isa.
Sa paglaki ni Gieldian, marami silang natutunan bilang mga magulang ng bata. Katulad na lamang nang pagpapaligo at paglilinis dito araw-araw; paghehele upang makatulog ito at ang pagtimpla ng kaniyang gatas. Pinalaki rin nila ang batang ito na may respeto at pagmamahal sa kapwa, ngunit hindi rin ito mapirmi sa pananalita katulad ni Jadie.
Mananatili pa rin kaya silang matatag at masayang pamilya kapag nawalan na sila ng oras para sa isa't isa? Magkakaroon pa kaya sila ng kasiyahan, kung sapilitang umalis ang isa at harapin ang isang misyong naghihintay para sa kaniya? Anong misyon ang natatago sa istoryang ito upang subukin ang ating mga bida at ang kanilang pinakamamahal na pamilya?
Abangan!
'Wag tumawid. Nakamamatay.
Masunurin sa batas si Glamor Izabelle Ramos, a.k.a. Glai, lalo na sa mga batas sa daan. Late na siya't lahat, hihintayin niya pa rin niyang maging berde ang pedestrian signals bago tumawid. Blessing naman ito dahil dito magkukrus ang landas niya at ng kanyang "ideal guy."
Nga lang, ang "ideal guy" pala niya ay ang supervisor ng department nila sa opisina, si Aion. Masaya na sana ang lahat . . . kaso taken pala si Aion base sa mga nakatenggang social profiles niya. Maguguluhan pa si Glai dahil iba ang ikinikilos ni Aion tuwing sila ang may moment.
May mga pagkakataon nga ba kung kailan puwede isantabi ang mga patakaran . . . o maninindigan si Glai na hintayin ang green light ng pag-ibig?