Naalala mo pa ba kung gaano ka kalakas tumawa kasama ang mga loko-loko mong tropa? Naalala mo pa ba ang mga araw na puro ka lang tawa at halakhak dahil sa kanila? Naalala mo pa ba ang unang beses na nagkaroon ka ng crush noong high school ka pa? Naalala mo pa ba 'yung mga kahihiyan mo nung first-time mong umamin sa crush mo? Oh, baka naman hindi mo na maalala kung gaano ka na-broken-hearted dahil sa love na 'yan? Oh, baka naman nakakalimutan mo na 'yung mga teachers mong palagi kang pinapagalitan dahil tulog ka nang tulog sa klase o hindi naman kaya ay walang maisagot sa tanong nila dahil puro ka lang computer games at skip sa mga assignment na binibigay nila? Naalala mo pa ba 'yung naging sandalan mo nung humarap ka sa bagong yugto ng buhay mo? Naalala mo pa ba kung ano-anong pinagdaanan niyo na magkakasama? Naalala mo pa ba? Naalala mo pa ba kung gaano ka kasaya noong high school ka pa? Cringe. Full of embarrassment. Pure laugh. Struggles. Fun. Ilan lang 'yan sa mga naranasan natin noong mga high school pa tayo. Nakakatawa at nakakahiya kung aalalahanin pero hindi natin maitatangging isa ito sa magandang ala-alang mayroon tayo. High school life. Gusto mo ba ulit balikan? Oh, gusto mo ulit maranasan? This is a typical high school life story that highlights the experiences of teens. Not just fun and full of wonders, but also facing problems that test their faith. They are six, but their favorite lines make them one. "Walang mag-iiwanan, pangako 'yan!" (𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗞𝗢) A high school life story. Written by: penintercaneAll Rights Reserved