Mula sa isang aksidente na sumira sa pamilya ni Kauri at naging dahilan ng pagkamatay ng Mama n'ya, may isang bahagi ng kanyang pagkatao ang nakalimutan n'ya. Isang bahagi ng buhay n'ya, na kung sa'n s'ya minsang naging masaya sya sa piling ng isang taong hindi n'ya maalala.Hindi n'ya matandaan at maalala kung sino ang taong yun, pero malinaw sa kanya na hindi ang boyfriend n'yang si Chester ang taong nakapagparamdam sa kanya ng kakaibang saya sa pagmamahal. Sa isang hindi sinasadyang pagkakataon sa buhay n'ya, nakikilala n'ya si Philip, ang taong babago sa takbo ng buhay n'ya. Ang taong pilit pumapasok sa buhay n'ya, mukha ng isang tao na pilit ginugulo ang mga alala n'ya sa nakaraan. Ang taong, gustong buhayin ang pagmamahalan nila sa nakaraan na nakabaon na sa limot at isa na lamang gunita.
Pa'no mo magagawang mahalin ulit ang isang tao na naging dahilan ng pagkamatay ng Mama mo? Naging dahilan kung bakit ka naaksidente noon? Pa'no mo papasukin sa buhay mo ang isang tao na sa alala mo na lang dapat makita?
May naalala ang puso na hindi natandaan ng isip at may mga emosyong minsang nilimot ng isip, pero hindi ng puso.
Copyright of 2014 by phia_sakura
Downloading of any from these parts without any permission of the author will be denied.
Get story updates on https://www.facebook.com/YourGlitterGoddessNotes
#DarkEmpress