Rebellion Series #6 "May tao pa kayang magmamahal sa katulad kong may madilim na sikreto?" Nang magdesisyon akong ipagpatuloy ang career ko sa New York bilang nurse ay sinabi ko sa sarili kong hindi ako uuwi ng Pilipinas hangga't hindi ko nabibigyan ng magandang buhay ang Papa ko. Lalong hindi ako uuwi hangga't hindi ko nahahanap ang nag-abandona sa amin nang ako'y paslit pa lamang. Pero paano kung sa paghahanap ko ay makilala ko ang taong sisira sa mga goal ko sa buhay? Paano kung siya ang taong hindi ko inaasahang darating sa buhay ko upang buuin at muling sirain ang buhay ko? Paano ko mamahalin ang taong maraming itinatago? Paano kung malaman niya rin ang lihim kong matagal ko nang ibinaon sa limot? Muli ba akong mabibigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko o tuluyan ko nang ibabaon sa limot ang nakaraang matagal ko nang tinago?Alle Rechte vorbehalten
1 Kapitel