33 Bagian Lengkap Lumaki si Savannah Yvonne Ferrer sa isang napaka higpit na pamilya, Doctor ang kaniyang ama at nasa larangan naman ng politika ang kaniyang ina na simula pa lamang ay hindi na niya tanggap dahil hindi sila lumaki ng kasama ito. May nagiisang kapatid si Yvonne na si Dion Gabriel Ferrer, na siyang kakampi niya sa lahat ng bagay.
Lahat ng plano nila sa buhay ay hawak ng kanilang mga magulang, ultimo ang kurso na kanilang kinuha. Si Yvonne, ay nasa larangan ng medisina tulad ng ama at si Dion naman ay nasa larangan ng negosyo upang magpatuloy raw ang pagiging matagumpay ng kanilang pamilya.
Ngunit lumaki ang dalawa na sumusuway sa magulang, bagsak na mga grado at pagwawaldas ng pera ang kanilang madalas na ginagawa, hanggang sa makilala ni Yvonne si Ashton Kiel Valles. Si Ashton ay isang normal na estudyante sa pinagaaralan nila Unibersidad sa Maynila, hindi siya sikat tulad ni Yvonne at lalong hindi rin kilala ang kaniyang pamilya.
Mababago ni Ashton ang buhay ni Yvonne, ngunit ang puso ba nila ay para nga sa isa't isa? Kaya ba nilang ipaglaban kung ano man ang nararamdaman nila?
O, sa huli ay mananaig lamang ang luha at sakit?