Matayog ang pangarap ni Zairah para sa pamilya niyang naiwan sa probinsiya kaya pursigido siyang magtrabaho. Sa edad na bente-otso, marami na siyang napasukang trabaho sa iba't ibang kompaniya. Naroon na ang nagpapart-time siya sa isang restobar sa BGC sa gabi at cartoonist naman ang trabaho niya sa umaga. Kailangan niyang magsikap alang-alang sa tatlo pa niyang mga nakababatang kapatid na nag-aaral. Hanggang sa nabalitaan na lamang niyang naisanla pala ng kaniyang mga magulang ang kanilang malawak na lupaing sinasaka sa isang kilalang pamilya sa kanilang bayan. Ang pamilyang Villa Acosta. Dahil malapit na ang ma-remata ito sa pamilyang pinagkakautangan, kailangan niyang makahanap ng paraan. Isang lalaki ang nakikilala niya mula sa sinasakyan niyang bus patungo sa kaniyang part-time job. Isang lalaking nagsasabing siya ay attorney na mag-ooffer sa kaniya ng isang part-time job din. Noong una, ayaw niyang kausapin ang lalaki dahil baka modus lang ito at mabiktima siya. Kalaunan, maayos naman pala itong kausap. Kailangan lang niyang magtrabaho sa isang mayamang lalaking si Zack Kraven at ibibigay ang lahat ng kaniyang kagustuhan maging part-timer nito. Tatanggapin kaya ni Zairah ang alok ng estranghero kapalit ng malaking mahalagang ibabayad sa kaniya? Paano kung mahulog ang loob niya sa isang lumpong si Zack?