Ang librong ito ay kompilasyon ng mga tulang aking sinulat sa loob ng mahigit isang taon ng pananahimik at pagkukubli ng mga salita. Ito ang naging takbuhan ko sa tuwing maraming bumabagabag sa aking isipan, naging libangan ko narin ito sa matagal na panahon.
Sabi ng propesor na nakapanayam ko noon, maituturing kang isang Makata kung nakasulat ka na ng maraming tula. Siguro'y isang tunay na makata ako dahil kung susumahin ang lahat ng aking mga nasulat ay humigit kumulang Dalawang daan. Maasasabi kong ako'y isang ganap na makata na.
Ngunit hindi ako magiging isang makata kung wala ang isang taong naging aking paksa, ang taong nagbigay inspirasyon sa pagpapatuloy ko sa nasimulang pakikibaka. Hindi ko ito mabubuo kung wala ang hiraya mo. Salamat sa iyo, buong buhay kong ipagmamalaki na ang mga tulang ito ay para sayo.
At tandaan mong hindi na mawawala sa iyong kasaysayan na may isang taong naglaan ng oras para ika'y alayan ng mga tula lulan ang libong mga salita.
Kung si Fidel Lansangan ay apat na taon niyang sinulat ang isang daang tula para kay Stella, ako nama'y ginugol ang mahigit isang taon na pananahimik at pagkukubli ng mga salitang hindi masabi.
Isinulat ko ang mga tulang ito para sa isang babaeng mahiwaga na namumukod-tangi sa lahat ng nilikha.
Maraming salamat sayo,
Makaka-asa kang mas paghuhusayan ko pa.