Isang babae na malas sa salitang "LOVE". Nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at ang kanyang kauna-unahang minahal ay bigla nalang ito nawala. Isang babae na hindi na naniniwala sa pag-ibig. Isang babae na hindi makaalis sa kanyang masakit na nakaraan. Isang babae na may posibilidad na makawala sa masasakit na alaala dahil lamang sa isang lalaki na aksidente niya lang nakilala. Naniniwala ba kayo sa "Love In First Sight?" Naniniwala ba kayo na ang pag-ibig ay totoo kahit na meron kang masakit na alaala dito? Naniniwala ka ba sa "Unexpected Love?" Para sayo, handa ka na ba magmahal kahit na hindi kapa handa na kalimutan ang nakaraan mo?