Akala ko kapag sinabing "First love" ay pang-habambuhay na ito. Akala ko siya nalang din ang magiging laman ng puso ko. Pero papano kung kabaliktaran na pala ang lahat ng iyon? Mas mahihigitan ba talaga ng "second love" ang "first love"? Masasabi mo pa bang "first love" ang unang babaeng mamahalin mo kung mas mahal mo na ang "second love" mo? Napaka-kumplikado, pero alam ko na nararamdaman talaga ang tunay na pagmamahal. Hindi lang ito masusukat sa tagal ng pag-sasamahan o sa mga sinumpaang pangako sa isa't isa. Gusto ko na din na patunayan sa lahat na ang "Second Love" ko na ang siyang naging true love ko.
More details