31 parts Complete My life wasn't cursed . . . But getting noticed by HIM made it feel like one.
Can I run now?
----------------------------------------------------
Si Kaeren Sarmiento ay isang dakilang nurse. Nag-iisang anak, maganda ang trabaho, maitsura, mahiyain (sa strangers) pero mapanapak, maliit, at higit sa lahat, may best beki-friend na kapangalan ang leader ng Sexbomb. Tulad ng iba, simple lang ang buhay niya: mahilig sa anime at K-dramas. Yung tipong nangangarap at nababaliw sa mga bidang lalaking astigin ang buhok, mapupula ang mga labi, at kay kikinis ng mga mukha!
Pero isang hating-gabi, nagsimulang mabahala ang kanyang isipan. Napuno ito ng pagnanasa--este, pantasya na hindi sa bida ng K-drama kundi sa isang pasyente na nasa kama! At take note, SIYA pa ang nag-handa ng kwartong ito para sa kanya ah!
Hindi niya alam na isa palang Ayala ito na kahit saksakan ng gwapo, nakakatakot at malalamig na mga mata naman kung tumingin. At ngayon ay tila inaakit (ata) siya! Ano ng gagawin niya lalo na't parang nag-papaakit--este, nadadala siya ng akit nito? Paano pa kung tuluyan siyang mapansin ng walking-aircon na ito? Tatakbo ba siya, magpapahabol, papabebe, or all of the above . . . and more?
Ano nga ba ang meron sa isang Spade Ayala at bakit para siyang virus na kumalat na sa siste niya at hindi na maalis kahit anong disinfectant pa ang gamitin?