Panaginip ay isa lamang panaginip sa nakararami subalit kung ang panaginip mo ay pilit kang ginugulo sa realidad dapat ka bang mabahala? kiligin o matakot? Francheska Romero, ang babaeng pilit kalimutan ang nangyari sa panaginip nya pero hindi makalimutan kahit ang maliit na scenario at patuloy na ginugulo ng isang hindi kilalang lalaki. Gusto kitang tanungin kung ano ang ginagawa mo sa panaginip ko bakit mo ko patuloy na inililigtas. Kilala nga ba kita talaga? o gumagawa lang ng mga mukha ang isip ko? o di kaya'y sadyang patay ka na, Sebastian?