Breaking Steel (FIlipino)
10 فصول مستمرّة للبالغين"Hindi ko kasalanan na minahal kita!"
singhal ni Andrew, nanginginig ang boses.
"Eh sana hindi mo na lang ako minahal!" Mabilis lumabas ang mga salita, parang kumpisal na hindi niya sinadya.
"Hindi mo sana ako minahal kung hindi mo rin naman ako kayang tanggapin-kung hindi mo kayang tiisin kung sino talaga ako, kahit ano pa ang nagawa ko!"
Tumigil siya sa pagkilos.
At sa katahimikang 'yon, may marupok na bagay na tuluyang nabasag sa pagitan nila.
Naputol ang boses ni Caleta sa bigat ng katotohanang dala niya. "Kaya kong mabuhay sa ginawa ko, Andrew... kung ang kapalit nun ay ang protektahan ka. Protektahan 'yung mga bagay na binuo mo. Kaya kong akuin na ako 'yung kontrabida. Akala ko handa na 'ko sa kahit anong parusa na ibato mo sa 'kin, pero ito?" Napuno ng luha ang mga mata niya.
"Na ikaw ang susuko sa 'kin? 'Yun ang hindi ko kayang tanggapin."
"Kaya kitang samahan," mahina niyang sabi, mas malambot na pero halatang masakit pa rin. "Kaya kong dalhin kahit anong bigat basta kasama ka. Kung pinapasok mo lang sana ako. Pero hindi mo ako pinayagan. Ikaw ang nagdesisyon para sa ating dalawa. Ikaw ang nagsara ng pinto."
Bumaba ang boses ni Andrew, pagod na. "Baka nga tama ka... Baka nga hindi ako kasing tibay mo."
Muling lumalim ang katahimikan sa pagitan nila...marupok, at unti-unting napupunit.
Dalawang taong nagmamahalan, nakatayo sa gitna ng mga guho ng kung anong puwedeng maging kamangha-mangha... kung natutunan lang sana nilang buuin ito nang magkasama.
"Pero ang magmahal," sabi ni Andrew sa huli, "hindi dapat ganito kahirap. Hindi dapat parang digmaan, Caleta."
Tiningnan siya ni Caleta, ang luha dumadaloy sa pisngi. "Eh bakit parang ikaw palagi ang kalaban ko?"
Corporate warfare meets slow-burn romance. If you love strong female leads, emotionally complex men, and high-stakes power plays with a touch of poetry and passion, this story is for you.
Will the Steel Lady bend... or will she break?