Hindi mo matatantsa ang galaw ng mundo. Sa bawat pag-ikot nito, maaring may mabago. Sa bawat pagpihit ng mga araw' malaki ang posibilidad na may magmilagro. Paano kung isang araw magising ka na lang na pinanghahawakan mo na ang taong noo'y imposibleng mapasayo? Ano? Papatigilin mo na lang ba ang paggalaw ng mundo mo para manatili s'ya sa'yo o... itataya mo ang napakaliit na tyansang magiging panghabambuhay na kayo? BreakShot, walang tiyak sa galaw na 'to. Chamba, 'yan lang ang kakampi mo.