Pinakamasaya sa lahat ang pagiging isa sa mga SENIORS. Ito yung mga moment na pwede kayong magbidabidahan sa campus. Madaming mga recreational activities na nangyayari at madalas nasa out-of-town ang klase nyo. Yung hindi mawala sa isipan mo na habang nasa outing kayo eh namimiss ka ng taong may gusto sayo from the lower level. Yung tipong iniisip mo yung mga mangyayari sa inyo ng crush mo during those recreational activities dahil magclassmate kayo AT alam mong ito ay isang MALAKING social activity at kinakailangan nyong kausapin ang isa't isa ng one on one. May mga moments din na napre-pressure ka na kasi hindi mo na alam kung paano mo mapagsasabay ang studies mo at ang PRACTICE nyo para sa school program nyo, dahil bago ang lahat lahat ng pagiging hayahay sa buhay mo bilang estudyante ay kailangan NYO munang mag-exam. Ang walang kamatayang usapan tungkol sa JS Prom. Yung 1 year pa bago mag Prom pinag-uusapan nyo na ng mga kaibigan mo yung gown na susuotin nyo. Yung nagpupustahan kayo ng mga tropa o kaibigan mo kung sino ang magiging FIRST at LAST dance mo. AT HIGIT SA LAHAT. GRADUATION. Ang panahon kung saan na-uuso ang mga quote na galing sa google na "This is not the end but it's just the beginning of the NEW CHAPTER." tas sabay may picture mo na hawak mo ang medalya mo. _______________________________________________________________________________________ A/N this story will be based on my highschool experience but some are imaginary. I'm currently a 4th year student right now. At gusto ko lang na ishare ang mga experiences ko. So if you want to read this story..just feel free... and i know that you will enjoy it. P.S the character's names are not the real names of my classmates. I named them differently.(mahirap kaya magsulat ng draft sa loob ng classroom kapag padaan daan si JARIC.)All Rights Reserved