Isang babaeng makapangyarihan sa lahat ang isisilang sa kabilugan ng buwan. Saksi ang liwanag sa kanyang kagandahan at lakas. Ngunit sa kabilugan din ng buwan makikita ang isang babaeng isinumpa o itinakda. Nagbabago ang kanyang anyo tuwing bilog ang buwan. Siya nga ba ang wawasak o magliligtas sa sanlibutan. Paano nga ba niya mahahanap ang kasagutan. Magiging mahirap o madali ba ang kahihinatnan nito sa dulo.