Meet Summer. Childish, clumsy, pretty and sweet. Mayaman? Oo. Mabait? Oo. Matalino? Next question. May boyfriend? NBSB ang lola! Meet Cloud. Hot & spicy, parang pancit canton, masarap. Perfectionist, sadist. Mayaman? Check. Matalino? Check. Gwapo? Check. Antipatiko? Check. Yummy? Check. Mabait? Next question. Papayag ka ba na makasama ang lalaking magaspang pa sa papel de liha ang ugali? O ang babaeng shunga at walang ginawa kundi magdala ng gulo sa buhay mo? Kahit ayaw ni Cloud, wala syang magagawa dahil hawak ni Summer ang singsing na iniwan sa kanya ng mga magulang nya. Pero ano nga ba ang tunay na halaga ng singsing? Bakit kailangan pang maghintay ng limang buwan para makuha nya ito? Ibig sabihin limang buwan din nyang titiisin na makasama si Summer. Limang buwang sakit sa ulo! Pero bakit habang tumatagal, parang gusto pa nilang pahabain ang mga araw. Tapos na nga ba ang lahat after 5 months? O dito palang sila magkakaroon ng bagong simula?