Nawala ng parang bula ang saya sa buhay ni Anastasia nang pumanaw ang kanyang kasintahan na si Florentino. Lalong mas nawala ang rason niya para mabuhay nang unti-unting iniwan siya ng mga taong importante sa kanya. Mula sa pagpanaw ni Florentino, pag-alis ng kanyang kuya Gabriel at esposa nito na si Keira, pagpanaw ng tinuturing niyang kapatid na si Celestina, at ngayon ay ang pagpanaw naman ng matalik niyang kaibigan na si Esmeralda. Tila ba lahat ng kalungkutan sa mundo ay binigay na sa kanya.
Nang napagdesisyunan na ni Anastasia na sumunod na sa kanyang kasintahan, may isang ginoo na nagligtas sa kanya. Akala niya noong una'y ito ang kanyang novio ngunit napagtanto niyang ibang tao ito. Simula nang araw na iyon, nagkaroon na ulit siya ng rason na mabuhay muli. Siya na ang nagpatakbo ng kanilang mga hacienda, at sumali sa samahan ng Katipunan.
Ngunit hindi naman niya inaasahan na ang taong magliligtas sa kanya ay nais pa yatang kontrolin ang kanyang buhay. Na labis niyang kinaiinisan. Mukha pang tuwang-tuwa ang kanyang papa sa lalaking ito. Sa bawat araw na lumilipas, lalong kumukulo ang dugo ni Anastasia rito dahil sa mga pinagsasabi rin nito sa kanyang namayapang novio.
Mas lalong hindi siya natutuwa sa sarili niya dahil habang tumatagal na kasama niya ito, nagbabago na rin ang tingin niya rito. Na nakikilala niya ito ng mabuti hanggang sa ito na rin ang gusto niya makasama araw-araw.
Hahayaan na lang ba niya na tuluyan itong pumasok sa kanyang puso at palitan ang pwesto ni Florentino?
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos