Una Eternidad en el Corazon

Una Eternidad en el Corazon

  • WpView
    Reads 5,893
  • WpVote
    Votes 250
  • WpPart
    Parts 16
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sat, Nov 22, 2025
Nawala ng parang bula ang saya sa buhay ni Anastasia nang pumanaw ang kanyang kasintahan na si Florentino. Lalong mas nawala ang rason niya para mabuhay nang unti-unting iniwan siya ng mga taong importante sa kanya. Mula sa pagpanaw ni Florentino, pag-alis ng kanyang kuya Gabriel at esposa nito na si Keira, pagpanaw ng tinuturing niyang kapatid na si Celestina, at ngayon ay ang pagpanaw naman ng matalik niyang kaibigan na si Esmeralda. Tila ba lahat ng kalungkutan sa mundo ay binigay na sa kanya. Nang napagdesisyunan na ni Anastasia na sumunod na sa kanyang kasintahan, may isang ginoo na nagligtas sa kanya. Akala niya noong una'y ito ang kanyang novio ngunit napagtanto niyang ibang tao ito. Simula nang araw na iyon, nagkaroon na ulit siya ng rason na mabuhay muli. Siya na ang nagpatakbo ng kanilang mga hacienda, at sumali sa samahan ng Katipunan. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ang taong magliligtas sa kanya ay nais pa yatang kontrolin ang kanyang buhay. Na labis niyang kinaiinisan. Mukha pang tuwang-tuwa ang kanyang papa sa lalaking ito. Sa bawat araw na lumilipas, lalong kumukulo ang dugo ni Anastasia rito dahil sa mga pinagsasabi rin nito sa kanyang namayapang novio. Mas lalong hindi siya natutuwa sa sarili niya dahil habang tumatagal na kasama niya ito, nagbabago na rin ang tingin niya rito. Na nakikilala niya ito ng mabuti hanggang sa ito na rin ang gusto niya makasama araw-araw. Hahayaan na lang ba niya na tuluyan itong pumasok sa kanyang puso at palitan ang pwesto ni Florentino?
All Rights Reserved
#8
spanishcolonial
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Sa Ilalim Ng Buwan
  • A Chance To Love Again
  • DI RIN PALA HABAMBUHAY
  • Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )
  • Amore Infinito | Completed |
  • Fall Again
  • Sa Harap ng Pulang Bandila
  • Yva: The Truth Beneath
  • La Escapador
  • It Started At 7:45

Walang dapat makaalam. Impunto. Claro. Ito ang turo sa kaniya simula pagkamusmos. Si Quino ay ang pangalawang anak na lalaki ng pamilya de Luna. Isang tanyag na pamilya sa bayan ng San Fernando. Sa panahon na namumuno ang mga Kastila sa Las Islas Felipinas, paano niya maitatago ang lihim ng kaniyang pamilya? Na ang bunsong de Luna ay isang dalaga. Sa pagpipinta ay nakararanas ng kalayaan si Quino. Itong natatangi niyang talento ang nakikitang paraan niya upang makawala sa kasinungalingang dulot ng kaniyang tahanan. Ang mag-aral sa Europa at mawala ng parang bula. Subalit paano siya makalalaya kung ang kaniyang angking talento ang magpapahamak sa kaniya? Kung ang kaniyang puso ay nahahati sa dalawang taong nililito ang damdamin at pagkatao niya? Kung kaya't kailangan niyang protektahan ang kaniyang lihim hanggang sa siya'y maka alis ng Las Islas. Siya'y mahigpit na kakapit sa tatlong kataga. Walang dapat makaalam. Impunto. Claro

More details
WpActionLinkContent Guidelines