Liwanag, saya at pag- asa ang mga simbolong ipinapahiwatig ng bulaklak na mirasol. Matingkad ang dilaw na kulay ng mga talutot nito na mayroong kulay kayumangging bilog sa gitnang bahagi. Sumusunod ang galaw ng bulaklak na ito sa araw kung kaya't binansagan itong 'sinag'. Ang bulaklak na ito ang paborito ni Mirasol higit sa ano pa mang halaman dahil bukod sa ito ang inspirasyon ng kaniyang pangalan, ay mayroong isang tao na dahilan kung bakit naging mahalagang bahagi ito ng kaniyang makulay na buhay. Tunghayan ang buhay ng isang mirasol mula sa kaniyang pagtubo, paglago hanggang sa ito'y malanta at . . . mamatay. BOOK COVER: PZALM FRANZENNE BEGASIN