Lumaki si Aquiseah na lahat ng galaw niya ay may nasasabi ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Hinuhusgahan siya dahil sa maling imahe ng kanyang pamilya at sa pagiging iba niya sa mga tao. Mayroon siyang Heterochromia dahilan kung bakit magkaiba ang kulay ng kanyang mga mata dahil sa maling paniniwala ng mga tao na nakahahawa ang kundisyon niya ay naging tampulan siya ng tukso.
Bumyahe siya mula Bicol, Sorsogon hanggang Manila upang makipagsapalaran. Nakahanap siya ng disenteng trabaho kung saan siya ay isang kasambahay ngunit hindi naging madali ang lahat para sa kanya mas lalo siyang nakaranas ng diskriminasyon.
Hinuhusgahan siya dahil sa trabaho ng kanyang ina at mga kamag-anak na magpaligaya ng mga lalaki. Hinuhusgahan ang buong pagkatao.
Desidido siyang hanapin ang kanyang banyagang ama upang alamin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit sila pinabayaan at iniwan nito.
Tanging ang kanyang kuya na si Caleb at matalik niyang kaibigan na si Kirby ang naging tagapagtanggol at sandalan niya.
Dumating sa buhay niya ang anak ng amo na si Denzel. Nag-aalab ang mga puso nila ngunit tinupok ng apoy ang kanilang relasyon.
Magagawa bang patawarin at bigyang init muli ang sinimulan nilang apoy kung mismong si Denzel na minahal niya ay walang tiwala at naging mapanghusga sa kanya.
"Beware of the people who are acting like a real friend to you because that kind of people got the intention to drag you down and do everything just to destroy you." - Aquiseah
"Masaya sila kapag nakikita kang nahihirapan." - Aquiseah
"Ang luha mo ang kanilang kasiyahan." - Aquiseah
Want to ask me questions? See my behind the scenes? Even see my upcoming story sneak peeks?
Here you can request for a chapter read request as well as critique. There's even something better-talking to me about anything you want!