Sabi nila, lahat daw ng tao ay may nakatadhang kapareha para sakanila na balang araw ay maari nilang makilala at makatuluyan. Ngunit paano mo malalaman kung siya na nga ang nakatadhana para sa iyo? Ito ba ay may mga signs? Paano kung nagmahal ka pero hindi pala sya? Bakit may mga taong nagkakagusto sayo pero hindi pala kayo ang para sa isa’t isa? Sabi nila, ang bawat tao at kanilang kapareha ay pinagdudugtong ng pulang lubid na nakatali sa kanilang daliri. Soulmate ang madalas nating itawag dito. Ngunit, ang lubid na ito ay hindi nakikita. Marahil, ito ang dahilan kung bakit maraming tao ang nabibigo sa pag-ibig. Marahil, ito rin ang dahilan kung bakit may mga taong tila bulag na nasa tabi na nila ang tamang tao para sakanila pero hindi parin nila makita.
Tunay ngang kahit kailan, hindi naging simple ang pag-ibig.All Rights Reserved