(SHORT STORY) Ang mapayapang mundo na biglang napalitan ng nakakagimbal na pangyayari ang nakapagpabago sa buong paligid. Na sa simpleng pagdampa ng hangin sa iyong balat ay titindig ang balahibo mo sa takot, lalo na't kasabay nito ang pagkadinig sa alulong ng mga halimaw na nagugutom. Isang lalaking pinagkaitan ng pamilya dahil sa kagagawan ng mga halimaw na sumakop sa mundo ang nanatiling buhay at lumalaban sa mundong nabalutan na nang katatakutan... ay mahuhulog rin sa isang babaeng halimaw (zombie) na kaniya 'ring kinamumuhian? Magbago kaya ang kaniyang pananaw sa oras na malaman niya ang pakiramdam kasama ang babaeng kauri ng mga halimaw? Itataya niya kaya ang buhay para rito, o manganganib siya dahil sa babaeng ito? Sa mundong ang pag-asa na maibalik sa dati ang lahat ay malabo nang mangyari pa, mahanap kaya nila ang posibilidad na maipagpatuloy ng totohanan ang kanilang pagmamahalan? Written by: Janess Manunulat | @janesscious