Kung sakali bang sikat ako ay mapapansin mo rin ako? Kung sakali bang maganda ako ay titigan mo rin ako? Kung sakali bang katulad ako nila ay makukuha ko rin ang atensyon mo? At kung ako ba sya ay magugustuhan mo rin kaya ako? Ako kasi mahal kita. At handa akong maging katulad niya, kung maari man lang sana at kung sakaling ito lamang ang paraan para magustuhan mo rin ako. Kung sakaling ito lang din ang paraan para makuha ko ang atensyon mo. Handa akong magpanggap. Handa akong magbago. Handa akong talikuran ang Isay na kilala ko. Handa ako kahit masakit, kahit mahirap. Dahil kung magiging ako siya at doon ka sasaya, sige payag ako. Dahil mahal kita. At oo, mahal kita. Ano pa ba? Dahil mahal kita. Sapat na rason na 'yon, diba?