Sa buhay, hindi natin alam kung anong aasahan. Sabi nga nila, expect the unexpected. Di kasi natin alam kung anong mangyayari mamaya, bukas, at sa mga susunod pang araw. Maaring may plano tayong gawin, pero hindi naman lahat ay umaayon sa plano natin. Minsan kasi, nawawalan tayo ng tapang para gawin ang isang bagay. At madalas, nawawalan tayo ng tiwala sa sarili natin.
Ganun rin sa pag-ibig. Madalas, the more na matindi ang nararamdaman mo sa isang tao, lalo ka nawawalan ng lakas ng loob na ipadama o aminin ito sa kanya.
Ano nga bang kaya natin gawin para sa pag-ibig??
Ako si Jessie Lorenzo.
At ito ang aking istorya.
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may mga desisyon tayong magagawa na hindi natin napag-iisipan.
Mahal ni Zernia ang kanyang asawa, ngunit may pangyayari na hindi niya inaasahan na naging dahilan upang iwan niya ito.
Pagkalipas ng anim na taon ay bumalik siya.
Ngunit ibang-iba na ang asawa.
________________________