"Ika'y tumingala at iyong pagmasdan ang liwanag ng buwan. Iusal mo ang iyong hiling at ito'y agad niyang tutuparin."
Maria Haliya Madrigal wants nothing but a smooth sailing, peaceful and successful life, but things will turn out chaotic for her because of someone's wish. Ang kahilingang magdadala sa kanya sa panahon kung saan ilang libong paglubog ng araw at buwan na ang nagdaan.
"Wala na akong ibang ibig kung hindi matupad ang aking hiling, nawa'y ito'y iyong dinggin."
Hanggang saan siya dadalhin ng agos ng kadiliman? Hanggang saan siya dadalhin ng kahilingan ng mga taong nagmula sa nakaraan?
"Haliya... Ang iyong pangalan ay may hiwagang pinagkaloob mula sa liwanag ng buwan."
Ikaw ay kaaway ni Bakunawa...ng mga bakunawa.
Ika'y tumingala sa bituin.
Idaan sa salamangka ang lahat ng hiling.
Written by IbongHindiMakahuni
Genre: Historical Fiction, Mystery-thriller, Romance, Fantasy, Comedy, Philippine Myth
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos