Isang hindi pangkaraniwang virus ang patuloy na sumisira sa sangkatauhan sa pitong kontinente ng mundo. Nakakahawa ito sa pamamagitan ng kagat at kalmot. Wala itong lunas o gamot. Sa isang laboratoryo sa Amerika, tinawag nila ito bilang Z-Virus. Enero 6 - pumasok ang virus sa Pilipinas. Mabilis itong kumalat sa mga pangunahing lupain ng bansa. At ang nag-iisang ligtas na rehiyon mula sa virus ay ang Rehiyong Bikol, ayon kay Mickey Dee Han. Sina Mickey Dee Han, Choi Soo-Hee, Stuart Abelardo, Nickhun, Jelly Han, at James Shepherd ay ilan lamang sa mga natitirang nakaligtas mula sa mapaminsalang Z-Virus. Makakatakas kaya sila mula sa mga nahawa sa lalawigan ng Rizal patungong Rehiyong Bikol? Makaligtas kaya silang lahat mula sa apokalipsis? Wala kang ibang pagpipilian kundi ang pumatay, dahil kung hindi mo sila uunahan, ikaw ang papatayin nila. Handa ka na ba sa paparating na Apocalypse?
Mais detalhes