Elixx Trevor Fuentebella is one of the most influential men in the country. Nasa kanya na ang lahat, wealth, looks and everything you would ask for a perfect man, except for his wife-Selene Soriano. Dalawang taon na silang kasal ngunit ni minsan ay hindi binibigyan ni Elixx ng konting pagkakataon si Selene na makalapit sa kanya dahil sa ugali nito. Obsessed ang babae sa kanya at napilitan lang syang pakasalan ito dahil sa kasunduan ng pamilya nila. Bukod sa ugali ng babae ay isa pa sa kinaiinisan niya dito ay ang palaging pag-i-eskandalo nito kapag may ka meeting syang babae na may kinalaman sa business nila. Nagseselos ito sa mga walang katuturang bagay. Lalo lamang lumaki ang pagkayamot nya dito ng may inilagay ito sa kinain nya. Kinabukasan nalang ay nalaman nyang may nangyari na sa kanila ng asawa nya. Ngunit paano nalang kung isang araw ay mawala nalang bigla ang pagmamahal ni Selene sa kanya dahil sa isang aksidente? Matutuwa ba sya dahil sa wakas ay mabubunutan na sya ng tinik dahil sa divorse nila? O malulungkot dahil sa pagbabago at pangbabalewala nito sa kanya?