Naranasan mo na bang magmahal ng palihim? Yun bang hindi alam ng taong mahal mo na mahal mo siya. Yung gagawin mo ang lahat para sa kanya. Kaya mong isakripisyo ang pangpersonal mong oras para sa kanya. Sa ganung paraan pinaparamdam mo sa kanya na mahalaga siya. Pero hindi mo alam kung nararamdaman niya yung pagmamahal mo. Ang hirap 'no?! Pero masarap. Mahirap kasi parang nasasayang lang yung effort mo. Hindi mo alam kung may patutunguhan. Hindi mo alam kung may resulta yung mga bagay na ginagawa mo para sa kanya. At higit sa lahat, hindi mo alam kung mamahalin ka rin niya. Pag nagmahal ka kasi, yun lang ang alam mong gawin. Everything follows when you know that you're in love. Walang makakapigil sa nararamdaman mo. Pinapakilig ka ng mga thoughts mo about love. And you know, that makes you a hopeless romantic. You set standards, you dream, and you believe in happy ending. Masarap eh! Maganda! Parang perfect ang lahat. And when you're in love with the man/girl of your dreams, lahat magagawa mo. Solve ka pag in love din siya sa'yo. Sana nga ganun lang kadali ang lahat. Yun bang pag pinakita mong mahal mo siya eh mamahalin ka na rin niya. Pero hindi...Tous Droits Réservés
1 chapitre