May mga pangarap na mahirap abutin, at may mga pangarap na kahit anong hiling at dasal ang gawin ay hindi talaga para sa atin. Para kay Javien, isa si Amora sa mga pangarap na nais niyang maabot kahit na parang imposible at sa panaginip lang maaaring mangyari. Kaya naman nang magkaroon siya ng tiyansang mapalapit sa babae, pakiramdam niya ay naka-jackpot siya kahit hindi naman tumataya. Kapag nagagawa niyang mapatawa ang dalaga, para siyang hinehele sa sobrang saya. At dahil doon, nagkaroon siya ng lakas ng loob na magbaka-sakali at umasa. Pero paano kung malaman niyang 'yong babaeng pinapangarap niya ay mayroon din palang pinapangarap na iba? At paano kung naging saksi siya sa kung paano abutin iyon ng babaeng minamahal niya? Tatanggapin na lamang ba niya na isa si Amora sa mga pangarap na malabong mapasakaniya o handa siyang ipilit ang sarili hanggang sa tuluyan nang makulitan at umayon sa kaniya ang tadhana?